Sa mga kagalang galang na kasapi ng Justice Committee, magandang umaga sa inyong lahat.


Ako si Risa Hontiveros, mula sa Akbayan, at isa sa mga complainants ng naunang impeachment complaints.

I wish to thank you all for upholding the rule of law. For the very first time, an impeachment complaint proceeded according to the rules that Congress itself established, in accordance with its mandate and in the exercise of its independence.

The votes that have taken place reflect a reversal of the previous impeachment processes. Simula na ng araw ng paniningil, araw ng hustisya, at araw ng katotohanan.

We have long waited for Ombudsman Merceditas N. Gutierrez’s response to our charges.


Naninawala kami na dapat ma-impeach si Merceditas Gutierrez dahil ginamit nya at patuloy nyang ginagamit ang kanyang kapangyarihan hindi para tuparin ang mandato ng kanyang opisina kundi para bigyan ng proteksyon ang nakaraang administrasyon at ang kanyang mga kaalyado.


Now is the moment for Merceditas Gutierrez to respond. Naghintay kami hindi lang ng ilang buwan, kundi ng ilang taon. Hanggang sa dulo, hanggang ngayon, sinasabi mo, Ombudsman, na pulitika lang ito. Mawalang galang na, Merceditas, hindi ka namin pinepersonal. Pero dapat ay hindi personal na interes mo ang dapat manaig sa pagaggamit mo ng kapangyarihan ng iyong opisina. Dapat interes ng bayan.

The Office of the Ombudsman is the protector of the people. Sumbungan ng bayan. At yan ang aming ginawa. Nagsumbong kami sa Ombudsman para bantayan ang mga tiwali at ang mga pang-aabuso. Pero pinagtaksilan nya ang tiwala ng mga mamamayan at sya mismo ang nang-abuso ng sarili nyang kapangyarihan.

At the height of the State of Emergency imposed by Gloria Macapagal Arroyo, I was illegally detained by the members of the Philippine National Police. Sumama ako sa isang Women’s Day Rally nuong March 2006, at labag sa aking kalooban, ako ay dinampot at binitbit ng mga pulis, sapilitang isinakay sa isang police mobile, at dinala sa Camp Karingal sa kabila ng aking
pagproprotesta. It was clearly a violation of my rights, and the arrest was captured on video by the media.

According to the police, I was not arrested but was taken into protective custody. I was with fellow women, with members of Akbayan, so I was being protected from the members of my own organization? I felt safer with them, than with the police. Bawal din arestuhin ang mga myembro ng Kongreso base sa mga charges na ang kaparusahan ay di naman lalampas ng anim na taon ng pagkakulong, and yet I was arrested.

Kaya nagsampa kami ng kaso laban sa mga pulis sa Ombudsman. Nadismiss ang aming kaso at sinuportahan ng Ombudsman ang mga abusadong pulis. Protective custody daw yun, at di pang-aaresto. The Ombudsman didn’t follow the law and reversed unilaterally and illegally our legal definition of arrest. It patently displayed her bias against the critics of Gloria Macapagal Arroyo.

Kasama sa impeachment complaint namin ang kasong ito at dapat managot ditto si Merceditas Gutierrez.

Nuong pumutok ang NBN-ZTE scandal, at lumabas sa mga hearings sa Kongreso ang alegasyon na nag-offer ng P200 million si dating COMELEC Commissioner Benjamin Abalos kay dating NEDA Secretary Romulo Neri, nagsampa kami uli ng kaso sa Ombudsman. We went through the process, and ignored claims that this were just grandstanding. We actually filed a complaint on October 9, 2007. Sundin ang rule of law, sabi nya, at sinundan namin kung ano ang sinasabi ng ating batas, at pati na rin ang proseso ng Ombudsman.

Pero sino ang ba ang hindi sumonod sa batas at binali kahit ang sariling nyang mga proseso at pulisiya? Sa Rules of Procedure ng Ombudsman, dapat sa loob ng sampung araw ay may aksyon sa mga kaso na natatanggap nito. Ten days.

But it took her more than four months! There were clear policies too, on the allowable period for the respondent to reply to the complaints. She broke these policies too – lahat pong ito ay nasa complaint, kasama ng mga sagot naming sa Ombudsman para sundin ang sarili nyang Rules of Procedure – despite the need for an urgent resolution to these cases.

There was public clamor for it, the Filipino people was asking for a resolution, the public trusted her to do her job, she betrayed this trust. She treated Abalos with velvet gloves. She violated her office’s rules of procedure, our laws, not once, not twice, but again and again and again. It took her months to decide on the case, and only after absolving other officials that should have been liable for the case, and only after it became untenable to defend Abalos.

Akbayan Rep. Kaka Bag-ao has laid down our evidence for the impeachment of Ombudsman Merceditas Gutierrez. Kasama na dito ang kanyang naging aksyon sa kaso ng mga Pestano, sa pag-abswelto sa COMELEC sa isyu ng Mega-Pacific deal, sa pagtago nya ng mga mahahalagang public documents at pagsagka sa transparency na kailangan sa laban sa korupsyon,

This has never been a personal campaign against Merceditas Gutierrez, but a struggle against official abuse and corruption. She seems to have forgotten that this is a bigger fight, a struggle larger than any personal interests, whether it’s her own interest, or that of her allies, her former classmate, or the former president. Her office and her mandate are bigger than her personal gains or interests.

Itinatag natin ang Ombudsman para labanan ang pang-aabuso at katiwalian. Pero kung sya mismo ang balakid – ang naging napakalaking balakid sa matuwid landas, ang naging balakid sa kanyang tungkulin at trabaho para tigilan ang pang-aabuso, ang ibig sabihin nito ay panahon na para sya ang tanggalin.

Panahon na para linisin ang opisina na dapat ay syang nagwawalis at nagtatanggal ng mga tiwali. Oras na para alisin sa Office of the Ombudsman si Merceditas Gutierrez!

Maraming salamat sa inyong lahat!