Akbayan Partylist condemns the brutal massacre of farmers and 2 teenagers on Saturday night in Sagay City, Negros Occidental.

"Ang walang-awang pagpatay sa mga magsasaka at mga bata sa Sagay noong Sabado ay bunga ng kultura ng karahasan na pinapairal ng administrasyong Duterte," Yoyong Merida, Sumilao farmer leader and Akbayan nominee said.

"Hindi lang pinapahirapan, binababoy, ginagago at tinatapakan ang sektor ng magsasaka na siyang nagtatanim upang masiguro na may pagkain sa mesa natin, pinapatay pa. Sa halip na tugunan ang mga problema ng mga naghihirap na magsasaka, bakit sila pinapaulanan ng bala? Kailangan mahuli ang mga salarin ngunit kailangan ding tapusin na ang deka-dekadang kaso ng agrarian injustice sa bansa natin," Merida added.

"Ito na dapat ang huling kaso ng karumal-dumal na pagpatay sa mga magsasaka. Kailangan maimbestigahan ito ng Kongreso at mabigyan ng hustisya ang mga pamilyang nawalan," Merida said. ##